
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, malalagay sa panganib si Rafael at kakailanganing gamitin ni Almiro ang kanyang pagiging isang Mulawin upang masagip ang kanyang kaibigan.
Matatandaang noong mga bata pa sina Rafael at Almiro ay iniligtas na rin ng huli ang kanyang kababata. Doon na nagsimulang magtaka si Consuelo tungkol sa tunay na katauhan ni Almiro dahil sa angking bilis niya sa pagsagip kay Rafael.
Sa gagawing pagligtas ni Almiro kay Rafael, malalaman na ba ng kanyang kaibigan ang kanyang sikreto?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.