
Ibinahagi ni Kapuso star Inah de Belen ang isa sa mga paborito niyang summer activities. Mahilig pumunta sa beach ang aktres kaya nahiligan niya ang surfing.
Dalawang beses na siyang nag-surfing sa La Union at may plano pa siyang bumalik. Ayon kay Inah, hindi madali ang kanyang first time, “At first, mahirap talaga. I mean, ilang beses ka talagang tutumba before you actually do it.”
Kinahihiligan ito ng beach babe ngayon dahil sa therapeutic benefits ng sport. “Parang nawawala ‘yung stress mo habang nagse-surf ka, and ang sarap kasi sa feeling kapag nagawa mo na.”
Paglangoy at pag-balance sa board ang kailangan sa surfing. “Kailangan, marunong kayong lumangoy talaga. Be alert, and huwag kayong masyadong praning kapag nagse-surf [para hindi ma-] off-balance.”
Panoorin ang report ng Balitanghali para mapanood ang surfing video ng aktres.