What's on TV

WATCH: 'Inday Will Always Love You' pilot, trending at panalo sa ratings!

By Bea Rodriguez
Published May 22, 2018 12:57 PM PHT
Updated May 23, 2018 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Panalo sa puso ng viewers at aprub naman sa mga netizens ang kilig at saya na hatid ng bonggang pilot episode ng 'Inday Will Always Love You.'

Congratulations, Team Inday!

Panalo sa ratings, pati na rin sa listahan ng Twitter trending topics, kagabi, May 21, ang bonggang pilot episode ng pinagbibidahang romantic-comedy Primetime series ni Kapuso star Barbie Forteza, ang Inday Will Always Love You.

Tampok ang ganda ng Queen City of the South sa GMA Telebabad soap. Puring-puri ang ating bida sa siyudad sa Visayas, “Ang ganda ng Cebu. Aabangan n’yo ‘yan!”

Siyempre, hindi rin magpapahuli ang kwentong buhay at pag-ibig ni Happylou, “‘Yung mga breath-taking scenes namin, fight scenes namin [nina] Kim [Rodriguez] at ni Miss Gladys [Reyes] at siyempre ang love triangle namin ni Derrick [Monasterio] and ni Juancho [Trivino].”

Si Happylou raw ang sagot sa bad mood ni Patrick, ayon sa gumaganap na si Kapuso leading man Derrick Monasterio. “Kailangan nilang abangan kung gaano ka lavish ang buhay ni Patrick. Lagi [siyang] galit [at] laging seryoso. [Abangan ninyo] kung paano mala-lighten up ni Happylou ‘yung personality ni Patrick.”

Ayon sa Nielsen Television Measurement, panalo sa ratings ang pinagbibidahang serye ni Barbie sa unang araw nito. Nakakuha ng audience shares na 42.0 ang Inday Will Always Love You laban sa competing show sa kabilang istasyon na nagtala lamang na 34.8.