
Madalas mamataan si Kapuso actress Sophie Albert na naka bikini at nage-enjoy sa beach sa kanyang mga Instagram account.
Naging fitspiration siya ng kanyang mga followers at kapwa artista dahil tila perpetual ang kanyang summer body.
Ang sikreto daw ng kanyang fit na katawan ay boxing.So
"My advice is, it's very important to listen to your body. Kapag hindi na niya kaya, huwag pipilitin. Ginawa ko na 'yan dati, nahimatay ako," kuwento ni Sophie.
Pagkatapos ng boxing, susundan naman niya ito ng circuit training.
"Ang isa ko pang tip 'pag nagwo-workout ka is drink buko juice instead of 'yung mga energy drinks or mga sweetend drinks na binebenta commercially. Buko juice is a good drink for rehydration kasi marami siyang electrolytes," aniya.
Panoorin ang kanyang boxing session feature na ito sa kanya ng Tunay Na Buhay:
WATCH: Sophie Albert opens up about her bedridden father
Carla Abellana at Gabbi Garcia, nag-react sa sexy IG photo ni Sophie Albert