
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, maglalakas-loob si Magindara na iharap si Siklab sa inang si Sandawa.
Matatandaang nahulog ang loob nina Siklab at Magindara sa isa't isa ngunit hindi maaaring umibig ang isang dyosa sa isang mortal. Nangyari na ito kay Lumad, ang kapatid ni Magindara, na nagsuko ng kanyang pagiging immortal para sa iniibig na tao. Tatanggapin ba ni Sandawa ang minamahal ng kanyang anak?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.