What's Hot

WATCH: Isang "miracle drink" na nagpapalakas daw ng immune system, totoo ba?

By Bianca Geli
Published February 7, 2020 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Go: DOF to lead investment push after OSAPIEA abolition
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Anong “miracle drink” kaya ito na nagpapalakas daw ng resistensya?

Matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Novel Coronavirus dito sa Pilipinas at ang unang casualty sa bansa dahil sa nCoV, marami na ang na-alarma sa pagkalat ng virus.

Hinikayat ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay upang makaiwas sa sakit, umiwas sa matataong lugar, at palakasin ang resistensya sa tamang pahinga at masustansyang pagkain.

Para hindi kapitan ng sakit, isang babae ang kumukuha raw ng lakas mula sa prutas na nasa bakuran lamang niya. Prutas na kakulay ng buko at ang laman ay kamukha ng laman ng guyabano, ang tawag rito ng iba, “miracle fruit” o calabash.

Hindi pa man napapatunayan ang magandang epekto nito, marami ang nagsasabi na nakapansin sila ng pagbuti ng kanilang resistensya matapos kumain ng calabash o uminom ng calabash juice.

Alamin ang sikreto ng “miracle fruit” na calabash sa Kapuso Mo, Jessica Soho: