
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena,, tama ang propesiyang pinaniniwalaan ni Gabriel na ang anak nina Siklab at Magindara ay isang halimaw.
Malalagay sa panganib ang buhay ng lahat, lalong-lalo na si Magindara.
Bubuo ng hukbo ang mga Mulawin. Mahanap kaya nila ang halimaw o baka naman mapunta ito sa mga Ravena?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.