
Naikuwento ni dating Manila Vice Mayor Isko Moreno na sa lamay ng patay siya mismo nadiskubre ng talent scout na si Wowie Roxas, who he fondly calls as "Daddy Wowie."
Aniya sa kanyang guesting sa Tonight With Arnold Clavio, "Doon ako nakita, sa Mabuhay Street sa Tondo. Tapos dinala ako sa That's [Entertainment] para mag-audition."
Dagdag pa ni Nadia Montenegro na dating nakasama rin ni Isko sa show ni German "Kuya Germs" Moreno, "Bilib kami jan, bilib kami jan. Inspirational ang pagsisimula niya sa That's [Entertainment.]"
Kuwento pa ni Jojo Alejar na kung may social media na noon, most probably ay magva-viral ang istorya ni Isko. Ika niya, "'Yung mga sa social media, tapos gagawin na mga quick stories, 'yung kay Isko isa sa pinakamaganda kasi hindi lang from rags to riches [siya], from rags to riches including public service within it, eh. So, iba 'yung yumaman ka lang, pero 'yung giving back meron siya."
Inalala rin ni Ara Mina ang audition days nila. Aniya, "Kasi si Isko, sabay kami nag-audition. Tapos 'yung mga kasabayan namin medyo mayayaman 'yung iba, tapos mapera. Tapos siya talaga 'yung suot niya, medyo pinagtatawanan si Isko noon kasi makikitang pinahiram lang 'yung damit sa kanya." Dagdag din ni Isko, "Kasi maluwag. Kay Daddy Wowie 'yun, eh."
Talaga namang isang inspiration ang actor-politician dahil din sa kanyang humble beginnings. Ani Ara, "Talagang nag-strive talaga siya."
Dahil guwapo rin naman talaga at may talent si Isko Moreno, isa rin talaga siya sa tinitilian ng mga babae kapag nagpe-perform. Paliwanag ni Jojo, "Pero 'pag lumalabas [si Isko] sigawan talaga 'yung mga babae. Kasi ako [para sumigaw sila] naglalabas ako ng pera, eh. Kaya nagsisigawan, 'Ay! Dito mo ibato.'"
Panoorin ang highlight clip sa Tonight With Arnold Clavio dito: