
Ngayong gabi sa Encantadia, malalaman ni Pirena (Glaiza de Castro) na gagamitin ni Imaw ang kanyang mahiwagang tungkod upang malaman kung sino ang pumaslang kay Alena (Gabbi Garcia).
Dahil ayaw mabunyag ni Pirena na buhay pa si Alena at siya ang dahilan ng pagkawala ng kapatid, magpapanggap siya bilang si Ades (Ana Feleo) at itatago niya ang tungkod ni Imaw. Dahil dito, papasok na sa isipan ni Amihan (Kylie Padilla) na maaaring nasa Lireo ang kanilang kalaban.
Encantadia: Ang pagkawala ng tungkod ni Imaw by encantadia2016
Abangan ang mga eksenang 'yan ngayong gabi sa Encantadia, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
Encantadia: Gurna reads mean tweets by encantadia2016
Andre Paras, namana ang pagiging komedyante ni Benjie Paras
'Encantadia' love theme song na 'Maghintay,' pinag-uusapan sa social media