
Pagkatapos ng mainit na pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa GMA Telebabad series na Meant To Be, nagtungo muna sa Amerika ang isa sa mga leading man nitong si Ivan Dorschner.
Isang buwan din siyang nagbakasyon sa California kung saan based ang kanyang pamilya.
Balik Pilipinas na si Ivan dahil bahagi siya ng upcoming The Triplet Concert ng kanyang Meant To Be co-stars na sina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz na gaganapin sa Sabado, September 9 sa Music Museum.
Kasama rin niyang magpe-perform ang tinaguriang mga JEYA boys, o sina Ken Chan, Jak Roberto at Addy Raj.
"'Yung mga rehearsals namin, parang hangout session lang because 'yung mga songs na pinapakanta sa amin, sobrang pa-suwabe. Pero sa sobra, naging nakakatuwa," bahagi ni Ivan.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras dito:
Video courtesy of GMA News