Guest sa latest episode ng Tunay na Buhay ang isa sa mga leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be na si Ivan Dorschner.
Dito, hinamon si Ivan ng host na si Rhea Santos sa isang wall-climbing challenge kung saan kailangan niyang kolektahin ang photos ng mga babaeng malapit sa kaniyang buhay na nakadikit sa pader.
Isa sa mga babae na 'yon ay si Katy Perry, ano kaya ang koneksyon ni Ivan sa American popstar?
Maaalala na noong taong 2012, napanood sa isang viral video si Ivan kung saan hinalikan siya ni Katy Perry nang magtanghal ito sa Pilipinas.
"Doon kami nakaupo sa harap ng stage, naghahanap siya (Katy Perry) ng Valentine's date [sabi niya] 'If you wanna come up, you have to take it off.' I was so shy 'nung time na 'yon pero kasi 'yung tita ko, tinutulak ako," pagsariwa ni Ivan.
Panoorin ang viral moment na ito below:
MORE ON IVAN DORSCHNER:
Ivan Dorschner, suportado ng best friend na si James Reid sa bagong career
WATCH: Kapuso celebs featured in a summer ad campaign of an apparel brand
IN PHOTOS: Si Ivan Dorschner na nga ba ang ka-'Meant To Be' mo?