What's on TV

WATCH: Iya Villania, bakit kaya naiyak sa latest episode ng 'Mars Pa More?'

By Racquel Quieta
Published February 4, 2020 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SM Supermalls Celebrates DOLE’s 92nd Anniversary and Marks 30,000th Hired-On-The-Spot Milestone
These hotel offerings are perfect for the holidays
Tree from rubble lights hope in UP Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Ang soon-to-be mom of three na si Iya Villania, naluha sa latest episode ng 'Mars Pa More.' Alamin dito kung bakit:

Kamakailan lang ay nag-guest sina Kapuso actor Gabby Eigenmann at Journey lead singer Arnel Pineda sa Mars Pa More.

At sa segment na Mars Sharing Group, kumanta sila ng awiting dedicated para sa kanilang mga anak. Tinawag nila ang special edition ng segment na ito na Hugot Playlist: Hugot ng Magulang, Idadaan sa Kanta.

Naki-join din sa kantahan ang hosts na sina Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao. Ngunit noong patapos na sa pag-awit si Iya, bigla siyang naging emosyonal.

Biro ni Iya, “Alam mo ilang beses ko 'yan prinaktis pero hindi ako umiyak.”

Pero ipinaliwanag din ni Iya kinalaunan kung bakit siya naluha matapos kumanta.

Aniya, “Alam ko kasi bilang magulang na darating talaga tayo sa point na parang feeling mo hindi ka na nila kailangan. Sobra akong takot to get to that point, kasi at this point, sobra akong kailangan ng mga anak ko. Hindi ko ma-imagine kung ano'ng mangyayari sa kanila kung wala ako.”

“But even if that point comes, even if kunwari mag-away kami, even if we have disagreements -kunwari feeling ko 'ay sinagot niya ko. Hindi niya ko mahal' - isang tawag lang, anytime my children need me, I will be there.”

Panoorin at alamin kung anu-ano naman ang hugot nina Camille Prats-Yambao, Gabby Eigenmann, at Arnel Pineda bilang mga magulang: