Celebrity Life

WATCH: Iya Villania, masaya na magkasundo ang dalawang anak

By Marah Ruiz
Published September 29, 2018 12:21 PM PHT
Updated September 29, 2018 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MPD: Persons of interest in Tondo firecracker blast identified
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ni Iya Villania ang pagkakaiba nina Primo at Leon.

Nag-e-enjoy pa rin daw maging hands-on mom si Kapuso host Iya Villania sa kanyang mga anak na sina Primo at Leon.

Kapapanganak lang ni Iya kay Leon, habang si Primo naman ay 2 years old na. Kaya naman masaya raw si Iya na magkasundo ang magkapatid.

"Sobrang nakakatuwa si Primo kasi ang lambing niya but of course, he doesn't really know how to be gentle. Minsan kapag gusto niyang haplosin, imbis na haplos talagang 'yung buong kamay na nasa mukha ni Leon," kuwento niya.

Ibinahagi rin niya ang kaibahan ng dalawang magkapatid pagdating sa style ng pag-aalaga na gusto ng mga ito.

"Primo was much harder. Si Primo, ayaw niyang magpababa. Puro buhat 'yan. Si Leon at least naibababa ko siya. Mas malakas 'yung boses ni Leon. Parang mas grabe ata si Leon magalit. Leon talaga," aniya

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: