What's Hot

WATCH: Iya Villania, nanakawan ng cellphone

By Gia Allana Soriano
Published March 16, 2018 9:48 AM PHT
Updated March 16, 2018 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Ikinuwento ni Iya Villania ang naganap na pagnanakaw sa kanyang cellphone sa isang mall.

Nanakawan ng cellphone si Iya Villania habang nagsha-shopping sa isang mall.

Kuwento niya, "Kitang-kita ko doon sa CCTV kasi grupo sila, eh. 'Yung mga babae 'yung unang nakapansin doon sa phone ko. Tapos mayamaya meron silang tinawagan. And then, just before the guy who came to steal my phone came into the store, parang kinausap na 'yung mga babae, 'yung mga sales people doon sa store para ma-distract sila."

Nung nalaman niyang nawawala na ang kanyang cellphone, agad niyang tinawagan ang number niya. Ika ng aktres, "We tried calling my friend, 'yung una nagri-ring lang. And then, maybe after five minutes, the next time we tried calling, binababa na 'yung phone."

Nagsabi rin si Iya na dapat nga ay maging alert ang lahat, lalo na pag may dalang mga mamahaling gadgets at iba pa. Aniya, "I just want to create awareness na kahit saan ka, kailangan mo to be careful. 'Tsaka may mga tao talaga na I guess ginawa na nilang trabaho 'yung pagnanakaw."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras dito:

Video courtesy of GMA News