
Sa April 25 episode ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, bibisita pa rin si Thea (Yasmien Kurdi) sa ospital para kumustahin ang kalagayan ni Maurice (Seth dela Cruz).
Maaabutan siya ni Ava (Jackie Rice) at pilit paaalisin. Buti na lang, ipagtatanggol siya ng kapatid na si Anna (Charee Pineda).
Mawawala na nga ba ang lahat kay Thea?
Patuloy na panoorin ang advoca-seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.