GMA Logo Jaclyn Jose Ilaban Natin Yan
What's Hot

WATCH: Jaclyn Jose, aprubado ang konsepto ng 'Ilaban Natin 'Yan'

By Racquel Quieta
Published January 29, 2020 11:51 AM PHT
Updated February 2, 2020 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jaclyn Jose Ilaban Natin Yan


Sabi ni Jaclyn Jose, “Interesting itong bagong naisip [na concept].” Alamin dito kung bakit:

Ang Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose ang gaganap sa main character ng istoryang tampok sa unang episode ng Ilaban Natin 'Yan.

Ito ang bagong programa ni Vicky Morales na magsisimula nang umere ngayong Pebrero sa GMA-7.

Gagampanan ni Jaclyn ang karakter ng isang inang nangutang sa anak at manugang nito at hindi nakabayad, kaya nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan sa kanilang pamilya.

Sa panayam kay Jaclyn sa kanilang taping, sinabi nito na nagustuhan niya ang konsepto ng bagong programa. Sabi niya, “Interesting itong bagong naisip [na concept].”

Dagdag pa niya, “Kasi, di ba, kapag nagku-kuwento tayo sa palabas, kinikuwento lang natin 'yong found story. Siya lang nagkukuwento.

"So, hindi natin alam sa paligid kung ang ikinukuwento ba niya, 'yon yung totoo.

"So, dito, ipapakita yung mga ibang version.

"Ito 'yong sabi niya, ito yung sabi nito.

"So, bahala ang manunuod kung sino sa kanila ang pakikinggan at kung sino ang tama.

"Let the people decide, kumbaga.”

Sinagot rin ni Jaclyn ang tanong kung may pagkakataon ba sa buhay niya na nasabi niyang Ilaban Natin 'Yan.

Panoorin ang kanyang sagot: