
“Siya mismo yung pinagpapasalamat ko.”
'Yan ang mabilis na sagot ni Jak Roberto nang tanunging kung ano ang ipinagpapasalamat nila ng girlfriend niyang si Barbie Forteza sa isa't isa.
Sagot naman ni Barbie, ang pagiging pasensyoso ni Jak ang pinagpapasalamat niya.
Aniya, “Masyado siyang pasensyoso sa akin. Feeling ko kaya rin kami tumagal, pag nagagalit ako hindi siya sumasabay.”
Dagdag pa nila, isang rule sa kanilang relationship na wag sumabay sa galit ng isa.
Panuorin ang ilan pa nilang mga sagot sa Unang Hirit silly questions sa video na ito: