
Hindi nagpahuli ang Kara Mia boys na sina Jak Roberto at Paul Salas sa hamon ng Unang Hirit na maglaro ng “Truth or Dare.”
Kailangan muna nila mag-“Jak and Paul (Jack en Poy)” at kung sino ang matalo, siya ang pipili kung truth or dare.
Sa isang pagkakataon, natalo si Jak at ang tanong sa kaniya ay kung sino ang kaniyang ultimate celebrity crush.
“Si Jennylyn Mercado at tsaka si Barbara Forteza,” sagot ni Jak sabay turo kay Barbie.
“Iba yung crush sa love.”
May pagkakataon ding ginaya ni Paul ang ilang larawan ni Jak mula sa kanyang Instagram.
Magsasama-sama sa Kara Mia sina Jak, Paul, Barbie at Mika Dela Cruz na mapapanuod na ngayong Pebrero sa GMA Telebabad.
Panuorin ang kanilang “Truth or Dare” sa video na ito ng Unang Hirit: