
Isang makwelang vlog ang hatid nina Barbie Forteza, at magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez habang namamasyal sa Osaka, Japan.
Habang namamasyal sa Dotonbori, halatang 'di mapigilan ng "bida-bida" siblings na asarin ang isa't isa.
Makikita rin na ginagampanan ni Jak ang kaniyang pagiging kuya nang pangaralan niya si Sanya habang namimili ng makeup kasama si Barbie Forteza.
Tanong ni Barbie kay Sanya, “Ilan kukunin mo [makeup]? Kumuha ako ng sampu.”
Biglang singit ni Jak, “Daming iniisip, wala namang cash. Sinabi ko kasi magpapalit na ng dollars, ayaw gawin. Kuya knows best.”
Sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, kinuwento ni Jak na hindi man siya isang protective brother kay Sanya binibigyan pa rin niya ng guidance ang nakababatang kapatid.
"Sakto lang. Balanced lang.
"Hindi naman mahigpit at hindi rin naman maluwag. Saktong guide lang at proper guidance sa kaniya.
"Wala na kasi kaming tatay eh. Since ako naman 'yung lalaki at dalawa lang kami, ako na 'yung parang naging padre de pamilya. Wala na siyang magagawa dun."
Panoorin ang buong vlog nina Barbie, Jak, at Sanya:
WATCH: Food tripping nina Barbie Forteza, Jak Roberto at Sanya Lopez sa Osaka, Japan