What's on TV

WATCH: Jake Vargas, nahihirapan maging bad boy?

By Bea Rodriguez
Published September 18, 2018 2:38 PM PHT
Updated September 18, 2018 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Jake Vargas, kumuha ng inspirasyon para sa kanyang karakter sa Ika-5 Utos sa mga pelikula.

Hindi raw natural para kay Kapuso heartthrob Jake Vargas ang maging bad boy. Kaya challenging para sa kanya ang role ni Carlo sa hit GMA Afternoon Prime soap na Ika-5 Utos.

“Si Carlo, kasama siya sa mga fraternity. 'Tapos 'pag binangga mo siya, puwede ka niya mapatay or siya 'yung tipo na sobrang yabang, sobrang maangas,” sabi ni Jake sa report ng Balitanghali tungkol sa kanyang karakter sa serye.

Dahil ibang-iba raw ang binatang aktor kay Carlo, kinopya niya ang ibang bad boys sa TV para mabigyan ng hustisya ang pagganap sa kanyang karakter.

“Ang hirap noong umpisa [kasi] hindi ko siya makuha kasi ang hirap maging bad boy. Pinag-aralan ko siya, nanuod ako ng movie na puwede kong makopya na maangas,” pagtatapos ng boyfriend at love team partner ni Kapuso star Inah de Belen.