
Masaya man sa panibagong yugto ng kanyang buhay, nais daw ni Jake Zyrus na makipag-ayos sa kanyang Mommy Raquel at pamilya.
Ang concert ni Jake na pinamagatang ‘I Am Jake Zyrus’ ay bahagi raw ng pagsisimula ng kanyang career. Dito raw niya ipapakilala sa publiko ang kanyang sarili.
“In fact, I’ll be singing a Charice, some Charice songs din po. Excited ako kasi syempre ibang version na po ngayon. It’s something to look forward to,” pahayag ni Jake sa panayam ng 24 Oras.
Inspired ang singer ngayon dahil maliban sa wala na siyang itinatago sa kanyang tunay na pagkatao ay masaya siya sa kanyang bagong partner.
Aniya, “Chill kami, and we have so many in common, and very supportive [siya]. She takes care of me so much.”
Ngayong mabuti ang itinatakbo ng kanyang showbiz at love life, nais din daw ni Jake makipag-ayos sa kanyang Mommy Raquel. Ayon sa parehong ulat sa 24 Oras, aminado raw si Jake na nami-miss niya ang kanyang ina.
“Kilala ko po sila, kilala ko po ‘yung family ko. yung family ko. Alam ko ‘yung yung tamang panahon kung kailan ko gagawin, and basta ngayon I’m taking one step at a time,” sambit niya tungkol sa plano niyang pakikipag-ayos.
“I love you guys, and everything’s gonna be alright. And I completely understand what you guys are feeling. Ingat, ingat lang kayo lang kayo lagi,” mensahe rin niya sa kanyang pamilya.
Video from GMA News