What's Hot

WATCH: Jake Zyrus, nakakaramdam ng diskriminasyon maski sa paggamit ng banyo

By Marah Ruiz
Published September 1, 2018 12:07 PM PHT
Updated September 1, 2018 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Mas pinipili raw ng singer na si Jake Zyrus na manatiling positibo kahit na patuloy siyang nakakaramdam ng diskriminasyon bilang isang transman.

Mas pinipili raw ng singer na si Jake Zyrus na manatiling positibo kahit na patuloy siyang nakakaramdam ng diskriminasyon bilang isang transman.

Matatandaang July 2017 nang isapubliko niya ang kanyang desisyon na mag-transisyon mula female to male.

"You have no idea like what some people messaged me. Kung mayroon tayong word na discrimination, it's more than that. And to think that sometimes they put those insults, below-the-belt words along with God. And that upsets me," pahayag niya.

Ramdam daw niya ito maski sa mga ginagawa niya sa pang araw-araw na buhay tulad ng pagpunta sa banyo.

"I go to London, I go to everywhere and 'pag nagsi-CR ako, I can go to the male restrooms. I get the look, pupunta ka pa lang mapapalapit ka na. You know where I go, sometimes like in public, I'm gonna be honest, sometimes I go to handicapped [restroom]," kuwento niya.

Tanggap na rin daw niyang hindi niya mababago ang pag-iisip ng mga taong ganito.

"And I guess no matter how we say it, hindi ako 'yung tao na magpapabago ng mga isip ng mga tao. And wala akong karapatan din na baguhin yung paniniwala nila," ani Jake.

Sa ngayon, nagfo-focus na lang daw siya sa positibong takbo ng kanyang career. Napabilang kasi siya sa upcoming Japanese movie na "Yaru Onna" o "She's the Killer" sa Ingles. Co-star pa niya dito si Kang Jiyong, former member ng K-pop girl group na Kara.

"When they handpicked me for the role, sabi nila na 'yun nga, bagay raw sa 'kin. They were very nice. They were very respectful. Alam naman natin 'di ba 'yung mga Japanese talaga napaka kalmado talaga mga katrabaho and sobra 'yung alaga talaga nila," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: