What's Hot

WATCH: Jake Zyrus, planong sumailaim sa gender reassignment

By Cherry Elaine Joyce Sun
Published July 10, 2017 11:04 AM PHT
Updated July 10, 2017 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Kasunod ng kanyang pagpapalit ng pangalan bilang Jake Zyrus ngayon, plano na rin daw niya na sumailalim sa gender reassignment.

Kasunod ng kanyang pagpapalit ng pangalan bilang Jake Zyrus ngayon, plano na rin daw niya na sumailalim sa gender reassignment.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, tatlong taon na ang nakalipas nang umaming lesbian si Jake sa programa ni Oprah Winfrey ngunit wala daw siyang planong baguhin ang kanyang kasarian. Ngunit ngayon ay kinikilala na niya ang kanyang sarili bilang isang transman at pinag-iisipan na niya ang gender reassignment.

Sambit ni Jake, “Definitely in the future, so in the future [I'll] probably I have to go through the same test again.”

Balewala na raw kay Jake kung merong hindi nakakaintindi sa kanya. Huwag din daw gawing isyu ang kanyang bagong pangalan dahil wala pa siyang planong palitan ito ng ligal.

Aniya, “It’s my screen name, and hindi ko naman papalitan ‘yung Pempengco, and I wouldn't change Relucio.”

Kuwento rin niya, pakiramdam daw niya ay nakakulong siya noong kilala pa siya bilang Charice Pempengco dahil sa kanyang high heels, mini skirts, gowns at hanggang sa pagbirit. Gayunpaman, hindi raw niya isinasawalang-bahala ang nakaraan niya.

“Lagi kong sinasabi na thankful ako sa kanya kasi parang siyang isa sa pinaka-importanteng role na ginampanan ko sa buong buhay ko,” wika ni Jake.

“Pag aalis ako ng ibang bansa, kailangan dalawang malaking maleta dala mo kasi kailangan marami kang dalang mini skirt tsaka high heels tsaka gown,” dagdag din niya.

Tatlong buwan nang hiwalay si Jake sa kanyang ex-girlfriend na si Alyssa Quijano. Taken na kaya siya ulit?

Pahayag niya, “I have a happy heart. Naah, I’m good. I’m good, I’m happy.”