What's on TV

WATCH: Janelle Lewis, Kyle Lucasan, at Crystal Paras, ibinahagi ang gagawin para makapasok sa Final 14 ng 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published July 2, 2019 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

343 Pinoys from Middle East return to PH amid turmoil
Seoul's Super Matcha opens first PH branch; plus menu and prices
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa second chance challenge na ibinigay ng 'StarStruck' season 7, magkakaroon ng pagkakataon na makabalik ang isa kina Janelle Lewis, Kyle Lucasan, at Crystal Paras para maging parte ng Final 14.

Dahil sa second chance challenge na ibinigay ng StarStruck season 7, magkakaroon ng pagkakataon na makabalik ang isa kina Janelle Lewis, Kyle Lucasan, at Crystal Paras para maging parte ng Final 14.


Sa twist ng StarStruck ay maaaring makuha nina Janelle, Kyle, at Crystal ang spot na iiwanan ng isa sa Final 7 Female Artista Hopeful sa darating na elimination week na mapapanood ngayong July 6 at 10.

Kuwento ni Janelle kay Kyline Alcantara sa Inside StarStruck ay gagawin niya ang lahat para patunayang nararapat siyang maging parte ng Final 14.

"I'll do so much better. I'll be hungrier for the spot. For now, since naranasan ko nang matanggal, I am going to be so much braver to conquer anything that's coming."

Si Kyle naman ay lalong gagalingan sa parating na challenge sa kanila. "Ako po siguro if I pushed myself before during the auditions, [better] pa yung gagawin ko ngayon... I need to go to a completely different level para makapasok. Kasi 'yun nga po, we're all hungry, kasi natanggal na eh. So kailangan ko na deserve kong makapasok as much as you guys."

Ayon naman kay Crystal ay deserve niya ring maging parte ng Final 14 at ito ang kanyang ipapakita sa challenge.

"Sobrang ipapakita ko na I'm more than thirsty, mas uhaw pa sa uhaw na makapasok 'cause I know I deserve to be here. I deserve it as much as everyone who is in the Top 14. Kung ano ako, kung ano 'yung mga problema ko dati, kung ano 'yung mga pinagdaanan ko, hindi siya magiging hadlang sa journey ko... Doon ako huhugot ng lakas to be able to give everything."

Panoorin sila sa Inside StarStruck: