Ipinakilala na si Kapuso actress Janine Gutierrez bilang Agua, ang bagong karakter sa iconic GMA telefantasya na Encantadia kagabi, November 4.
Si Agua ay ang kambal diwa ng Brilyante ng Tubig na pagmamay-ari ni Sang'gre Alena na ginagampanan naman ni Gabbi Garcia. Layunin ni Agua na bantayan ang brilyante at protektahan ang may hawak nito.
Sa exclusive interview ni Lhar Santiago kay Janine sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres na pangarap niyang makabilang sa telefantasya. Aniya, "Fan talaga ako ng Encantadia, kahit dati pa nung sina Ate Shine (Sunshine Dizon). So pangarap ko talaga na makapag-guest sa Encantadia."
Pero bukod sa kanyang excitement, nakaramdam din daw si Janine ng pagkabigla nang makita ang costume ni Agua. "Medyo sexy 'yung damit ni Agua. Medyo nabigla ako pero siyempre Encantadia 'yan 'di ba? Lahat ng Sang'gre [ay] magaganda at sexy so na-pressure rin po ako (laughs)," pahayag niya.
Patuloy na panoorin ang Encantadia upang malaman ang magiging parte ni Agua sa istorya ng nangungunang GMA Telebabad soap.
Video from GMA News
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
Encantadia: Kambal diwa ng Brilyante ng Tubig
WATCH: Janine Gutierrez on her break-up with Elmo Magalona: "He's in a new place with new people"