What's on TV

WATCH: Janine Gutierrez, nag-ikot sa Binondo bilang paghahanda para sa 'Dragon Lady'

By Cherry Sun
Published February 5, 2019 11:53 AM PHT
Updated February 8, 2019 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Bilang paghahanda sa kanyang character sa 'Dragon Lady,' nag-ikot si Janine Gutierrez sa Binondo, Maynila.

Bilang paghahanda sa kanyang character sa Dragon Lady, nag-ikot si Janine Gutierrez sa Binondo, Maynila.

Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

READ: Janine Gutierrez, excited nang mag-ibang anyo para sa Dragon Lady

Filipino-Chinese ang character ni Janine sa kanyang pagbibidahang Kapuso fantasy-drama. Kaya naman, idinikit ng aktres sa Chinese New Year ang kanyang pagbisita sa Chinatown para lalong maintindihan ang kultura at trandition ng Filipino-Chineses community.

IN PHOTOS: Chinese New Year traditions ng mga artista

Kabilang sa kanyang Chinatown experience ay ang pagtikim ng traditional food at pagbisita sa tindahan ng lucky charms.

Aniya sa interview ng 24 Oras, “Nakakatuwa na ganun katatag 'yung paniniwala at na talagang nagba-branch out siya sa lahat ng aspeto ng buhay nila. Pati sa pagkain, merong suwerteng pagkain. Sa bahay, merong feng shui.”

Pagbahagi rin ni Janine ng kanyang pinakamahalagang natutunan, “Hindi talaga puro swerte lang ang dapat mong paniwalaan. Wala kang maaani sa suwerte kung hindi ka rin naman talaga nagsisipag.”