What's on TV

WATCH: Janine Gutierrez undergoes dog training for newest Kapuso project

By Felix Ilaya
Published November 21, 2017 3:48 PM PHT
Updated January 24, 2018 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Isang dog lover si Janine na dog lover kaya madaling napalagay ang kaniyang loob para sa furry co-star na si Serena.

Kasalukuyang nag-te-taping ang Kapuso star na si Janine Gutierrez para sa kaniyang panibagong TV series. Isa sa mga workshops na ginawa ni Janine upang paghandaan ang kaniyang role ay mag-dog training dahil makakatrabaho niya rito si Serena, isang four-year-old golden retriever.

Aminado naman si Janine na dog lover naman talaga siya kaya madaling napalagay ang kaniyang loob para sa furry co-star.

Aniya, "Super mabilis na makasundo si Serena kasi nakaka-in love talaga siya 'eh. Ako mahilig talaga ako sa big dogs kasi parang sarap yakapin, very malambing, and excited ako na makatrabaho talaga siya."

Pinuri naman ng dog coach ni Serina na si Francis Cleofas, si Janine sa husay nito sa pag-command ng golden retriever.

"Very natural kasi sa kaniya 'yung pakikisalamuha niya sa mga aso, pagbibigay niya ng commands, 'yung tricks, 'yung expressions niya, talagang love na love niya 'yung dogs," wika ni Francis.

Panoorin si Janine at Serena sa ulat ng 24 Oras below:

Video courtesy of GMA News