
Ipinakita ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis kung paano ginagawa ang kanyang prosthetics para sa pelikulang Culion.
Ibinahagi ni Jasmine sa Instagram ang isang 3-minute video, kung saan kinukuha ang hugis ng kanilang mukha.
"In order to make it easier and ensure exact measures of each piece of facial prosthetic, they practiced on our molds," paliwanag ni Jasmine sa caption.
Iikot ang kuwento ng Culion sa tatlong babae na may "Leprosy," na hindi pinapayagang umalis sa isla ng Culion sa Palawan.
Noong 1940s, ang kaisa-isahang paraan upang maiwasan ang Leprosy ay ang pagpapadala ng may mga Leprosy sa isang "leprosarium" upang hindi mahawa ang mga taong walang sakit.
Makakasama ni Jasmine sa pelikula sina Iza Calzado at Meryll Soriano.