
#FitnessGoals na maituturing si Pamilya Roces star Jasmine Curtis Smith dahil sa kanyang toned body.
LOOK: Jasmine Curtis Smith shares sneak peek of first soap with GMA, 'Pamilya Roces'
Nag-viral pa nga ang kanyang bathtub photo kamakailan na kuha mula sa kanyang quick vacation sa Bali, Indonesia.
Saad ni Jasmine sa panayam ng 24 Oras, simple lang naman daw kung paano niya pinapangalagaan ang kanyang sarili. Healthy eating at pag-iwas sa mga alcoholic beverages ang dahilan ng kanyang magandang pangangatawan. Ano kaya ang kanyang napapansin na best physical asset niya?
Sagot ng aktres, "Well, lahat ng tao ang laging kino-compliment is 'yung kili-kili ko... But I think it's may pwet.
"'Dun ako biniyayaan ni Lord hindi sa harap, so asset talaga siya," biro pa niya.
Panoorin ang buong report sa video na ito:
Video courtesy of GMA News