
"It humbled me."
Ito ang pahayag ni Kapuso actor Jason Abalos nang malaman niya ang buong buhay ng yumaong indie actor na si Kristoffer King.
Gaganap si Jason bilang si Kristoffer sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, March 9.
Dagdag niya, "Gusto kong malaman ng mga tao kung ano yung naging buhay ni Kristoffer King para lahat tayo ma-inspire."
Namatay si Kristoffer noong February 23 dahil sa komplikasyon sa diabetes.
Indie actor Kristoffer King passes away
"Ginagawa niya yung bagay na sa tingin natin hindi dapat pero ginagawa niya yon para sa mga anak niya e, hindi mo siya puwedeng husgahan," kuwento ni Jason.
Alamin ang buong detalye ng report ni Lhar Santiago sa 24 Oras sa video na ito:
Panoorin ang pagganap ni Jason bilang Kristoffer King sa Wish Ko Lang mamaya, March 9.