
Hindi nagpahuli ang kumare ni Regine Velasquez-Alcasid na si Jaya sa kanyang pagbibigay ng birthday message.
Ayon sa video na mula sa Instagram account na RV Friends, "I think sa lahat ng mga nagawa mo para sa akin, sa lahat ng nai-advice mo, sa lahat ng pagmamahal mo, sa lahat ng times na nag-share tayo ng stage. SOP, Party Pilipinas, mga soaps na alam kong ikaw naman ang nagpasok sa akin. Ika mo nga ako ang security blanket mo. Sa lahat lahat ng mga 'yan maraming salamat."
"Please continue to inspire many. Continue to sing for all of us. Continue to share the goodness that is happening in you."
Sa ikalawang bahagi ng video ay ibinahagi ni Jaya kung bakit si Regine ay isang blessing sa mga tao.
"We still are so amazed by the immense talent that you have and thank you for sharing all of that with us." Saad ni Jaya sa kanyang mensahe.
Happiest birthday, Regine!
MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID AND JAYA:
LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, may mamahaling regalo para sa kanyang kaibigan na si Jaya