GMA Logo Jean Garcia in Nakarehas Na Puso set
What's on TV

WATCH: Jean Garcia, may dalang good vibes sa set ng 'Nakarehas Na Puso'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 8, 2022 2:38 PM PHT
Updated September 14, 2022 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia in Nakarehas Na Puso set


Paano kaya inaaliw ni Jean ang staff ng 'Nakarehas Na Puso?' Alamin DITO.

Nakakatakot man tuwing gumaganap siya bilang kontrabida, ibang iba Jean Garcia naman ang makikita sa likod ng kamera dahil isa siya sa nagbibigay ng good vibes sa set ng kanyang upcoming GMA Afternoon Prime drama na Nakarehas Na Puso.

Bukod sa mga artista na napapanood sa telebisyon, maraming tao ang bumubuo ng programa kaya naman sumayaw si Jean habang tumutugtog ang kanta ni Whitney Houston na "I Wanna Dance With Somebody (Who Loves Me)."

Sa Instagram, ibinahagi ng beteranang aktres ang isang Tiktok video na makikita kung paano siya nagbibigay ng good vibes sa set ng Nakarehas Na Puso kasama ang kanilang production designer, security, at pati ang direktor ng programa na si Gil Tejada.

Sulat niya sa caption, "There are shortcuts to happiness, and dancing is one of them. These small moments on the set of 'Nakarehas Na Puso' that are really special, love you guys!!!"

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

Sa pinakabagong family-drama ng GMA, gagampanan ni Jean si Amelia Galang, isang mapagmahal na magulang na makukulong dahil gusto niyang ibigay ang magandang buhay para sa kanyang apat na anak na sina Lea, Miro, Nonoy, at Olive.

Makakasama ni Jean sa pagbabalik niya sa GMA Afternoon Prime sina Leandro Baldemor, Michelle Aldana, Vaness Del Moral, EA Guzman, at Claire Castro.

Ang Nakarehas Na Puso rin ang kauna-unahang programa ng bagong love team ng GMA na sina Bryce Eusebio at Ashley Sarmiento.

Abangan ang Nakarehas Na Puso simula September 26, 4:15 P.M. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA LARAWAN NG NAG-IISANG JEAN GARCIA SA MGA NAGDAANG TAON: