
Age is never an excuse ayon kay Kapuso actress and mom Jean Garcia para manatiling fit and fab.
Para sa mother-of-three, priority ang magandang kalusugan lalo na raw at hindi na siya bumabata.
“Health is wealth e,” sabi niya.
“'Yan talaga 'yung pinaniniwalaan ko ngayon maybe because of my age now.
“So sa mga artista, sa mga kabataan natin, even sa audience natin, habang bata kayo take good care of your health and your skin.”
Para raw sa mga mommy na kagaya niya, simple lang daw ang paraan para maging fit and beautiful.
“Exercise talaga. Mahilig kasi akong tumakbo kahit sa village lang, usually before dinner kapag wala nang araw.
“Isa na din 'yung healthy lifestyle, I guess.
“Siyempre 'pag tumatanda ka na dapat balanced diet. Hindi dyeta ha, dapat balanse. Kumakain ka ng gulay, kumakain ka ng meat, tapos fruits, it's very important.
“And siguro at least six to eight hours of sleep and dapat positive ang mindset. 'Wag tayong maging negative sa buhay. Tapos konting problema, 'wag masyadong isipin dahil maso-solve at maso-solve 'yan.”
Panoorin ang buong ulat ni Luane Dy: