
Isang Facebook user na nagngangalang Harry Bio ang nag-upload ng video ng rehearsal ni Jeniffer Maravilla bago ang kanyang performance sa The Clash noong Sabado, November 23.
In-upload sa social networking site ang naturang video noon ding Sabado, ilang oras matapos mag-viral ang performance ni Jeniffer dahil sa kanyang failed whistle attempt.
Mapapanood dito na matagumpay niyang naabot ang whistle tones para sa kanyang rendition ng hiphop song na "Hayaan Mo Sila," na ginawan niya ng sariling arrangement.
As of writing, mayroon nang mahigit 102,000 views, 3,800 reactions, at 3,100 shares ang video ng rehearsal ni Jeniffer sa Facebook.
The Clash 2019: Jeniffer Maravilla SURPRISES with "McArthur's Park" | Top 10
The Clash 2019: Jeniffer Maravilla's GOOSEBUMPS performance of Gloc-9's "Sirena" | Top 12