
Isang gabi ay lumanding si Mr. Alien sa Earth at doon niya nakilala ang single at ready to mingle na si Minda na matagal nang hinihintay ang kanyang Mr. Right.
Labis ang pagpapa-cute ng dalaga sa alien na nagngangalang Jograd mula sa planetang Grad. Tanong ng karakter ni Ultimate Star Jennylyn Mercado, “Are you My Love From The Star?"
Ang pagsadya ng poging alien na si Kapuso newbie Gil Cuerva sa ating mundo ay para sunduin ang kanyang tatay na pinakagwapo at tila dinudumog sa kanilang planeta.
Wala nang balak si Daddy Alien na bumalik sa kanila kaya hinimok na rin ni Minda si Mr. Alien, “Jograd, gusto mo ba dumito ka na lang sa planeta namin?”
Mabilis itong sinagot ni Jograd, “Oo naman, lalo nang nandito ka eh.” Kinilig nang husto ang dalaga at sinabing, “Siya na nga! Siya na nga ang My Love From The Star.”
Subaybayan ang pilot ng Pinoy remake ng top-rating Korean drama gabi gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.
https://www.youtube.com/watch?v=6BHueC7Os44