
Ibinahagi ni Kapuso Ultimate Survivor Jennylyn Mercado na excited na siyang magbalik-taping para sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pagiging at home niya sa kanyang mga katrabaho.
“Simula sa production hanggang sa mga artista, hanggang sa mga staff, talagang masaya. Masaya 'tong set na 'to,” aniya.
Samantala, naghahanda na rin si Jen para sa unang onstage musical performance nila ng real life boyfriend niyang si Dennis Trillo, ang Co Love Live.
Inamin din niyang kinakabahan siya para sa Co Love Live concert nila ni Dennis dahil ikukuwento nila sa pamamagitan ng pagkanta ang kanilang love story.
“Sa isang love story hindi naman palaging masaya. 'Di ba? Lagi kayong may pinagdadaanan,” sabi ni Jennylyn.
Dagdag pa ng aktres, “Wala namang perpektong relasyon at lahat tinatrabaho. Gusto rin naming ma-experience ng mga nandoon sa concert 'yung love story talaga ng totoong buhay.”
Gaganapin ang Co Love Live concert sa New Frontier Theater sa February 15.
Panoorin ang buong 24 Oras report:
John Prats excited about directing Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's 'CoLove' concert
WATCH: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang kanilang personal recording studio