
Tumampok si Love You Two actress Jennylyn Mercado sa kaniyang kauna-unahang news anchor stint sa segment na “Chika Minute” ng 24 Oras, kagabi, April 15.
Excited man, halos kabado rin daw ang rom-com queen na nagsilbing anchor sa award-winning television news show.
Aniya, “Kinakabahan ako. Parang hindi tuloy ako marunong magbasa bigla!
“Basta iba 'yung feeling, iba pala pag-news, noh?”
Pabiro pa niyang sinabi, “Wala ng take-two ito 'di ba?
“Ito na 'yun eh, so 'pag nagkamali ako, patay!”
Panoorin ang news anchor stint ni Jennylyn sa chika ni Aubrey Carampel:
Samantala, mapapanood na ang Love You Two kung saan bibida si Jennylyn kasama sina Gabby Concepcion at Shaira Diaz sa darating na April 22, sa GMA Telebabad.
Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado proud to star in GMA's first-ever telepelikula 'Love You Two'