What's Hot

WATCH: Jennylyn Mercado, magiging business partner si Dennis Trillo ngayong 2019

By Marah Ruiz
Published January 7, 2019 10:35 AM PHT
Updated January 7, 2019 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Jennylyn Mercado, may natatanging pagganap sa Magpakailanman ngayong Bagong Taon.

Isang natatanging pagganap sa programang Magpakailanman ang unang proyekto ni Ultimate Star Jennylyn Mercado 2019.

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Gaganap siya rito bilang isang lesbian na nagkaroon ng anak.

"Iba talaga kapag nakaganito ka na. Very uncomfortable kasi 'di ba naka-wig ka, naka-cap ka tapos ang luwag luwag ng damit mo.

“Pero siyempre character siya so kailangan mo i-portray nang maayos," paliwanag ni Jennylyn sa ayos at damit niya para magampanan ang role.

Bukod dito, pinagkakaabalahan din ni Jennylyn ngayong Bagong Taon ang isang teleserye at dalawang pelikula.

Naghahanda din daw siya para sa sumali sa isang marathon sa Berlin, Germany.

"Para lang maiba lang. Isa 'yun sa mga nasa bucket list ko eh, makapag-marathon," aniya.

Level up na rin ang relasyon nila ng kanyang nobyong si kapwa Kapuso actor at Drama King Dennis Trillo.

Balak daw nilang maging magkasosyo at magtayo ng sa isang shop para sa cookie business ni Jennylyn.

"Kasi isa 'yan sa mga dream ko talaga, na magkaroon kami ng shop kahit na open kitchen lang," bahagi niya.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras Weekend: