
Bukod sa isang teleserye kung saan makakapares niya ang beteranong aktor na si Gabby Concepcion, ilang pelikula rin ang naka-line up para kay Ultimate Star Jennylyn Mercado ngayong taon.
Isa raw dito ang lubos na ikagugulat ng kaniyang mga tagahanga.
"Magkakaroon ako ng entry sa MMFF (Metro Manila Film Festival) this year," panimula ni Jennylyn tungkol sa isa sa kanyang upcoming films.
"Ano siya, pyscho thriller, so medyo ibang-iba sa mga ginagawa ko," dagdag niya.
Naghahanda rin si Jen para sumali sa isang marathon.
"Kailangan ko siyang i-goal eh para gawin ko. Kasi, kung hindi ako magre-register at hindi ko talaga siya plano for this year, tatamarin lang akong tumakbo," aniya.
Matatandaang isa sa mga sports na kinahiligan ni Jen ay ang triathlon na may swimming, biking at running.
"Nagta-triathlon ako before pero hatest ko doon sa three disciplines 'yung running. Pero 'yun 'yung gagawin ko ngayon. Napaka laking challenge," pahayag niya.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: