
Wala nang ilangan sa pagitan nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at ng kanyang My Love from the Star leading man na si Gil Cuerva.
READ: Jennylyn Mercado and Gil Cuerva topbill the Philippine version of ‘My Love from the Star’
Kung dati ay nagkakahiyaan pa ang Kapuso stars, ngayon ay mas kumportable na sila sa isa’t isa. “Mas kilala na namin ‘yung isa’t isa. Wala nang ilangan, medyo masaya na [at] hindi na [kami] nahihiya,” kuwento ng aktres sa Unang Hirit.
WATCH: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, nagsimula na mag-tapin para sa 'My Love from the Star'
First time din niyang makatrabaho sina Kapuso stars Gabby Eigenmann, Christian Bautista, Jackie Rice, Renz Fernandez at ang StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer kaya para sa kanya ay bagong-bago ang environment.
Nahirapan daw si Jen, hindi dahil sa kanyang mga bagong katrabaho kundi dahil sa teleserye mismo. Pag-amin ng romantic-comedy actress, “Para sa akin, this is the most challenging soap ever. Hindi porket rom-com siya [ay] madali siyang gawin. Para nga sa akin, ito ‘yung pinakamahirap.”
Gagampanan ni Jennylyn ang bigating celebrity na nagngangalang Steffi Cheon. Abangan ang aktres sa nalalapit na Pinoy remake ng My Love from the Star sa GMA Telebabad.
READ: Gil Cuerva is in need of a bike instructor, fans suggest Jennylyn Mercado
Video courtesy of GMA News