
Iba ang saya ni Ultimate Star Jennylyn Mercado kapag nagku-kuwento tungkol sa kanyang unico hijong si Alex Jazz Mercado.
May bago na raw na kinahihiligan ang kanyang nine-year-old boy, ngayong nakabakasyon pa sa pag-aaral.
Kuwento ni Jen sa Balitanghali, “Meron siyang swimming classes everyday tapos tuloy-tuloy pa rin ‘yung mga ginagawa niyang therapy. Basta iba ‘yung makikita mong aura ‘pag nasa water siya, talagang tumatawa lang siya. Ayaw niyang matapos ang swimming class.”
Nakakatulong raw ang kanyang pagiging ina kay Jazz sa kanyang role sa The Cure dahil tulad niya, isa ring nanay si Charity. Nag-evolve at ipapakita na raw ng kanyang karakter ang pagiging palaban nito ngayong hiwalay na sila ni Greg (Tom Rodriguez).
Video from GMA News