
Isa sa mga advocacy ng Ultimate Star ang pagpapalaganap ng kaalaman para maagapan ang breast cancer.
Beauty with a purpose. ‘Yan ang ipinamalas ni Jennylyn Mercado nang makiisa siya sa ‘130 million steps to fight breast cáncer.’
Isa sa mga advocacy ng Ultimate Star ang pagpapalaganap ng kaalaman para maagapan ang breast cancer. Kabilang na rito ang self-test. Target ng sinalihan niyang kampanya ay makaipon ng 130 million steps sa tulong ng isang app. Ngayong October 1, umabot na raw ito sa 25 million steps at halos 9,000 steps dito ay galing kay Jennylyn.
Dumalo rin sa naturang event ang mga cancer survivors at mga grupo ng kababaihan.
Paalala ni Jennylyn, “Bilang babae kailangan lang mas maingat tayo sa katawan natin. Mahalin natin ang sarili natin lalo na ‘yung kalusugan natin.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON JENNYLYN MERCADO:
READ: Bakit hihinto muna sa triathlon si Jennylyn Mercado?
READ: Five reasons why Jennylyn Mercado is the Ultimate Star
LOOK: 20 sexiest collarbones of Pinay celebrities