
Sa Inside StarStruck ay naghanda ng isang fun game ang host na si Kyline Alcantara para sa StarStruck season 1 Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado na ngayon ay host na ng original reality-based artista search.
Sa larong 'Unknown Questions' ay tinanong si Jennylyn kung sino sa kanyang mga batchmates ang pasaway noong season 1 ng StarStruck. Sagot ni Jennylyn ay sina Alvine Aragon, Yasmien Kurdi, at Cristine Reyes.
Exclusive videos ng 'StarStruck,' mapapanood na sa YouTube
Paliwanag ni Jennylyn, "Kasi lagi silang nag-aaway!
"Si Alvin, makulit talaga by nature. Makulit talaga siya. So madaming nagagalit sa kanya."
Mayroon ding nakakatawang alaala si Jennylyn sa kanyang batchmates na girls.
"Si Yasmien noon, nakakatawa kasi palagi silang nag-aaway ni Nadine, ni Cristine. So palagi siyang pumapatol sa mga kahit maliliit lang, magagalit siya. Tapos nag-aaway sila talaga lahat palagi."
Panoorin ang kabuuan ng game na ito sa Inside StarStruck.
Jennylyn Mercado on hosting StarStruck: "Unbelievable 'yung mga nangyayari"