
Mukhang may mabubuong prank war!
Mukhang may mabubuong prank war sa backstage ng hit comedy show na Sunday PinaSaya.
Sinimulan ito ni Jerald Napoles nang pag-tripan niya ang kanyang co-star na si Alden Richards habang nagpapahinga ito.
Ibinahagi ni Jerald sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan makikitang tinataktakan niya ng pulbos sa buhok ang natutulog na si Alden.
Nangako naman si Alden na makakaganti ito sa kaibigang si Jerald matapos makita ang video.
Noong isang linggo, si Barbie Forteza naman ang napiling i-prank nina Jerald.
MORE ON CELEBRITY PRANKS:
WATCH: 'Sunday PinaSaya' boys prank Barbie Forteza
WATCH: Camille Prats gets pranked by son Nathan