
Ginulat nina Jeremiah at Nef Medina ang The Clash panel sa kanilang duet sa kantang "Hello" sa Pares Kontra Pares round ng singing competition.
Nakakuha sila ng thumbs up mula kay judge Christian Bautista, na kilalang critic sa kompetisyon, dahil aniya, "mayroong harmony 'yung riffs and runs" ng kanilang mga boses.
Sa palagay naman nina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha, parehong nag-shine sina Jeremiah at Nef sa kanilang performance. ito ay dahil ginawan nila ng bagong areglo ang 2015 hit song ng English singer na si Adele.
Panoorin ang buong performance nina Jeremiah at Nef dito: