
Masakit man sa puso, thankful naman si StarStruck Avenger Jeremy Sabido sa kanyang mga natutunan sa Kapuso artista search pagkatapos ma-eliminate noong Linggo, August 18.
Aniya, "Siyempre, masakit sa akin kasi gusto kong mag-stay with my friends.
"Kay Daddy Pepito, nung nag-ampon sa akin, 'di kita pababayaan kahit anong mangyari andyan ako.
"At sa mga kapatid ko na walang sawang sumusuporta sa akin, thank you."
Noong 2017, nakilala si Jeremy bilang isang contestant sa Wowowin.
Pumukaw sa puso ng mga manonood ang istorya niya na inabandona siya at ang kanyang mga kapatid sa bahay ampunan ng kanilang ama pagkatapos pumanaw ang kanilang ina. Mula noon, kinupkop sila ng kanyang adoptive father na si Pepito.
Tinampok rin sa Magpakailanman ang kanyang life story kung saan gumanap si Miguel Tanfelix bilang si Jeremy.
Ngayong tapos na siya sa artista search, may plano pa kayang mag-artista ang former StarStruck hopeful?
Aniya, "Yes! In God's time ipagpapatuloy kasi pangarap ko ito."
Panoorin ang ulat ni Cata Tibayan:
WATCH: Sino ang nag-stand out sa action fantasy artista search ng 'StarStruck'?
WATCH: Ang buhay ng 'StarStruck' Final 8 sa likod ng camera