
Hinirang na Boxer of the Year ang IBF Superflyweight Champion na si Jerwin Ancajas sa Gabriel Elorde Awards.
Hands down choice daw ang boxing champion nang matagumpay niyang nadepensahan nang tatlong beses ang kanyang titulo.
Ang kanyang technique sa sunud-sunod na pagkapanalo?
Kuwento ni Jerwin, “Namumulot lang din po ako ng mga aral ng mga dating kampeon.
“Isa na din ang disiplina sa sarili kasi kung wala kang disiplina sa sarili parang useless yung pinaghirapan mo.”
Nakatakdang depensahan muli ni Jerwin ang kanyang titulo sa May 4 kontra sa Japanese boxer na si Ryuichi Funai.
Panuorin sa ulat ni Chino Trinidad:
Ang Gabriel Elorde Awards ay ginaganap taun-taon para 'di malimutan si Gabriel “Flash” Elorde na kinilala bilang isa sa pinakamagaling na Pinoy boxers noong dekada sisenta.