
Sinalubong ng ilang fans at kamag-anak ang pagbabalik-Pilipinas ng Filipino-American singer-songwriter na si Jessica Sanchez.
Ang lola niyang galing pang Bataan ang mismong sumundo sa kanya sa airport, “I’m super excited to see her. It’s been three years so family is a huge part of my life.”
Nasa bansa ngayon ang 22-year-old American Idol runner-up para sa ilang showbiz commitments kabilang na ang pag-guest sa concert ni Jake Zyrus sa Biyernes, May 25 sa Skydome.
Hindi na rin makapaghintay si Jessica na muling makita ang kanyang mga tagasuporta, “I love you guys! Thank you so much for all your support. I’m so excited to be back here in the Philippines. I can’t wait to see you guys!”
Video courtesy of GMA News