
Pangalan pa lang, nakakaintriga na ang bansang Iceland.
Hiwalay itong isla sa hilagang kanluran ng Europa. Bago makarating dito mula sa Pilipinas, kailangan muna bumiyahe ng halos isang araw.
Bilang maagang pamasko, lumipad ang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' team papuntang Iceland para ipakita sa mga manonood ang kakaibang ganda ng lugar.
Binansagang “The Land of Fire and Ice” ang Iceland, dahil puno ng yelo ang malaking bahagi nito at mayroon din itong nagbabagang apoy.
Kuwento ng KMJS host na si Jessica Soho, “When in Iceland kung saan maraming yelo, mag halo-halo tayo.”
Dagdag niya, “Sa totoo lang po, mahilig sila rito sa ice cream kahit ang ginaw-ginaw sa kanilang bansa. So, there's no reason kung bakit hindi nila magugustuhan at mamahalin din ang ating halo-halo.”
Magustuhan kaya ng mga taga-Iceland ang Pinoy halo-halo?
Alamin sa video na ito: