
Matapos mapaiyak nina Jillian Ward at Carmina Villarroel ang production team ng Abot Kamay Na Pangarap dahil sa ilan sa kanilang dramatic scenes, saya at kakulitan naman ang kanilang dala nang magkita sila para sa pictorial ng bagong GMA drama series.
Bukod sa pag-arte, tila nadiskubre ni Jillian na mayroon din pala siyang talento sa pagho-host nang interviewhin niya si Carmina.
Isa sa mga itinanong ng young actress sa kaniyang co-star ay kung ano ang naging reaksyon nito nang malaman na magkakatrabaho sila sa isang malaking proyekto ng GMA Network.
Sagot ni Carmina, “First time nating magkakatrabaho… Excited ako and 'yung story ay interesting…”
Bukod dito, ibinahagi rin ng seasoned actress kung ano ang mahalagang payo na gusto niyang ibahagi kay Jillian tungkol sa pagiging isang artista.
Panoorin ang kulitan moments ng Abot Kamay Na Pangarap lead stars DITO:
Abangan sina Carmina Villarroel at Jillian Ward bilang sina Lyneth at Analyn Santos, sa Abot Kamay Na Pangarap, magsisimula na sa September 5, sa GMA Afternoon Prime.